Sa PagTuklas Sa Pag-Gamit ng
Kapangyarihan ng Orasyon
Interesante ang tanong na ito na
natanggap ko. Pano nga ba daw tutuklasin ang pag gamit ng orasyon?
Sasagutin ko na lamang ito base sa aking sariling karanasan.
Kahit noong
ako ay hindi pa nasasalinan ay pamilyar na ako sa lihim na karunungan dahil na
din sa ang lahi namin ay malalim na ang kaalaman dito. At may mga pagkakataon
noon na binibigyan ako ng orasyon ng aming mga Apong na walang kasamang
instruksyon. Nakasulat lamang sa papel at yun na. Pero dahil sa ako ay pamilyar
na sa pag-gamit ng mga orasyon ay hindi naging problema ang pagtuklas kung
paano gagamitin ito. Katulad na lamang ng orasyon na binigay sa akin ng kapatid
ng aking lola ukol sa mababangis na hayop. Ang orasyon para sa mababangis na
hayop ay:
"MITAM TURVETAM TRUATECAM"
At ang
pinakamainam na pinagtestingan ko nito ay ang aso na nakakulong sa likod ng
aming bahay. Ito ay mabangis at hindi kumikilala ng amo. Kumbaga ay parang
asong ulol na. Kapag nilalapitan ay nagwawala sa galit.
Una ko ito
sinubukan sa araw ng biyernes. Binulong ko ang orasyon ng tatlong beses at
lumapit ako sa aso pero nagwawala ito sa kulungan sa galit. Hindi gumana.
Pangalawa
kong subok ay binulong ko ng isang beses habang nakatitig sa aso. Ngunit hindi
pa din gumana.
Pangatlo ay
binulong ko ng tatlong beses sa aking daliri at itinuro sa aso, wala pa din
epekto. Kaya pinalipas ko na ang araw na iyon at hinintay ang susunod na
biyernes. Hindi ko naman minamadali ang pagtuklas kung paano gamitin ang
orasyon na iyon.
Dumating ang
sumunod na biyernes at sinubukan ko muli. Una ay binulong ko ng isang beses at
inihip sa hangin sa direksyon ng aso. Nilapitan ko ang aso pero nanggagalaiti
pa rin ito sa galit.
Pangalawa ay
binulong ko ng isang beses sabay padyak ng kaliwang paa ko sa lupa ng tatlong
beses. Walang epekto. Sinubukan ko naman ibulong ng tatlong beses sabay padyak
ulit sa lupa ng tatlong beses pero mas nainis lang ang aso sa pag-padyak ko.
Pangatlo ay
binulong ko ito sa pagkain ng pitong beses at pinakain sa aso. Kinain pero wala
pa din epekto sadyang mabangis pa din sa akin.
Nawawalan na
ako ng pasensya sa orasyon sa kakasubok ko nito.
Ngunit muli
ko pa rin itong sinubukan at inusal sa aking isip ng tatlong beses habang
nakatingin sa mga mata ng aso. Pagkatapos ko usalin ito sa aking isip ay bigla
na lang naupo ang aso at nanahimik. Unti unti ko ito nilapitan at tinitigan.
Sinipa ko ang kulungan pero wala itong ginawa, nakaupo lamang at nakatingin sa
akin.
At dun ko na
naaprubahan at natuklasan ang pag-gamit ng orasyon na iyon.
*Ang
pag-tuklas sa pag gamit ng orasyon ay may kaunting kahirapan. Dahil ang mga
orasyon ay maaaring usalin, ibulong o isipin lamang. Ito ay maaaring dalawa,
tatlo, lima, pito o siyam na beses uulitin. Maaaring gagamitan ng paturo ng
daliri, palipad-hangin, pagkain, painom, tapal, et al..
Kaya mahirap
magconclude ng sagot kung paano matutuklasan ang pag gamit ng orasyon. Maliban
na lamang kung ikokonsulta mo ito sa iyong mga guides dahil siguradong
malalaman mo ang mga instruksyon kung paano magagamit ang orasyon kapag sa
kanila mo ito itatanong.
Mainam siguro
na mag-experiment na lamang kayo at pagtiyagaan na tuklasin kung pano bubuksan
ang kapangyarihan ayon sa gamit nito.
Sabi nga ng isa kong kamag-anak noong araw, kapag
binigyan ka ng orasyon ng walang instruksyon ay para ka narin binigyan ng baril
na magkakahiwalay ang mga parte. Bahala ka na sa buhay mo na matutunan na buuin
at paputukin ito.
Salamat sa impormasyon.
ReplyDelete