Tuesday, August 28, 2018

A Sorcerers Tale Part 5


Ang mga Uri ng Duwende
Mga dapat malaman  ukol sa mga duwende. Kung makikita niyo sa libro na pinagkaloob ko ay may mga orasyon para sa mga ito. Pero dapat magingat at hindi na lamang basta ginagamit ang mga orasyon at ritwal na ito. Kailangan niyo muna malaman kung ano ba ang mga characteristics ng mga duwende para hindi kayo malinlang. Malalaman niyo ito ayon sa kanilang kulay. At sa kanilang mundo ito ay para bang kanilang tribo. 

Most ng mga duwende ay mga SINUNGALING. Kaya hindi dapat agad nagtitiwala dito kahit na may orasyon pa kayo. Huwag din basta uusal ng orasyon na galing sa kanila kung ang mga ito ay hindi "attached" sa iyo. Kontra din sa paniniwala na ang mga ito ay mahilig sa sigarilyo at alak ay ang mga ito ay mas napapakiusapan sa pagaalay ng manok. Ang mga ito ay nalulusaw sa asin at ang mga nanggugulo ay hindi natatagalan na marinig ang mga pangalan ng Diyos Ama.


Duwendeng Itim:

Kontra sa paniniwala ng marami na ito ay nakasuot ng over all attire na black ay ang itsura ng mga duwendeng itim ay mahahalintulad sa mga taong grasa.. Nakakatawa pero totoo. Sila ay mukang madudumi, punit punit ang suot na para bang gawa sa telang itim. Sila ay nakayapak lamang at mayroong amoy na parang nabubulok. Ang mga ito ay kampon ng mga diablo at ubod ng sinungaling. Hindi dapat nagtitiwala agad at huwag na huwag agad tatanggap ng kung ano mang bagay mula sakanila. Mahirap kausapin at nanlilinlang na magpatikim ng kanin na itim upang ang iyong katawan o iyong kaluluwa ay kanilang maging alila. 

Duwendeng Pula:

Neutral ang mga duwendeng pula. Mayroong mga mababait at mayroon naman mga ubod ng sama. Hindi dapat agad nagtitiwala dahil karamihan ay mga sinungaling. Sila ay tagapagturo ng mga orasyon at mahilig sa alay na manok. Strikto sa pagtuturo ng orasyon, hindi ka patutulugin hanggat hindi mo naisasaulo ang mga orasyon na naituro. Nagbibigay ng agimat. Madaling tawagin pero mahirap paalisin. Kapag ikaw ay nagustuhan ay lagi silang nagpapakita at sumusunod saan ka man magpunta. Nagpapatikim din ng kanin na itim na hindi mo dapat kainin.


Duwendeng Berde:

Ang mga ito ay mababait ngunit mahirap pakiusapan. Sila ay mahilig magpakita sa bata dahil ang mga ito ay natutuwa sa mga paslit. Alam nila ang mga mangyayari sa future at alam din ang mga lumalabas na numero sa sugal(jueteng, lotto), ngunit galit na galit sa mga ganitong bagay(sugal). Nagbibigay ng bulaklak sa palad na makapang-aakit sa sinumang babae. Nagtuturo ng kinalalagyan ng kayamanan kapalit ng alay. Nagtuturo ng gamit ng mga halaman at orasyon para sa kalikasan. Kapag sila ay tinawag gamit ang orasyon, sila ay nagpapakita ngunit nakaupo lamang at hindi ka kakausapin. Hindi rin titingin sa iyo at parang walang naririnig. Kumbaga medyo bastusin. Kaya kapag ito ay tatawagin at kkonsultahin ay gagamit kayo ng bata para kausapin ito. Pero magiingat dahil kapag natipohan ang bata ay maari ito maging "attached" sa bata at baka isama pa sa kanilang daigdig.


Duwendeng Puti:

Alagad ng Diyos. Malumanay magsalita at hindi gumaganti kapag inalipusta ng kapwa duwende. Nakapanggagamot ng pinakamalakas na barang ngunit namimili lamang sa kanyang tuturuan at pagpapakitaan. Tagapagturo ng mga orasyon at nagbbendesyon ng mga agimat para sa bilis, invisibility, lakas, at iba pa. Nagbibigay din ng bulaklak sa palad na makapang-aakit sa sinumang matipohan. Kapag hindi ka nagustuhan ay hindi na ulit magpapakita sa iyo.


Huwag tumawag ng ibat ibang nilalang sa loob ng iisang linggo lamang. At importante na tandaan ang kanilang pangalan at huwag na huwag gagawa ng kasunduan kahit na napakasimple lamang.


Siguro ay tama na ang mga impormasyon na iyan pandagdag sa kaalaman niyo. Minsan kapag ito ay tinawag ay sila na mismo ang nagtuturo sa iyo ng iyong gagawin. Alalahanin niyo na nasa lesson pa din tayo at hindi niyo pa puwede gamitin ang nasa libro. Sundin muna ang mga paghahanda at pagaralan mabuti ang turo sa inyo. Hindi basta basta ang makiugnay sa mga engkanto.

No comments:

Post a Comment