Tumataas ang nag aaral ng Pangkukulam at maging
ang mga biktima ng kulam. Noong makalipas na mga taon maraming reseach ang
ginawa sa Stony Brook Medical College sa New York, USA at naging conclusyon
nila na ang pangkukulam ay totoong nakakamatay ito man ay pinatunayan sa
biblia.
Ang mga nakukulam ay nasa panganib at maaaring
sirain nito ang kalusugan at kalagayan ng kabuuan ng isang tao, maaari din
itong mapatay o gawin ng mga indibidwal na magpakamatay sa labis-labis na
paghihirap na nararamdaman. Nagiging suicidal mahina ang shield ng aura o
proteksyon.
Ang mga walang-salang kaluluwa ng tao ay
bihirang malaman na siya pala ay kinukulam na. Ito ay ginagawa nila upang
makasakit at makapatay ng isang tao. At bawat taong mapapatay nila tumatataas
ang kanilang kapangyarihan at ranggo.
Ang mga personal na gamit ng isang bibiktimahin
tulad ng baro, picture, kuko minsan pangalan at date of birth lang ay ginagamit
para gumawa ng manika na malalagyan ng koneksyon sa isang tao.
Ang pinaka dibdib ng manika ay iniiwang bukas
para sa pinakahuling rituals. Ang ritual ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkuha
ng puso ng isang hayop na buhay at ito ang inilalagay para maging puso ng
manika at sa puntong ito’y magsisindi ng kandila para ma infused ang buhay ng
bibiktimahin papunta sa manika na ginamitan ng invisible psychic chord. Upang
mabuhay ang koneksyon ng biktima at manikang gagamitin.
Kapag ang lifeforce ng manika at ng taong
kukulamin ay konektado na, gumagamit na ang mangkukulam ng karayom tinutulak
ito sa isang specific acupuncture points para ma break ang energy system ng
biktima. Habang tinutusok ang karayom mararamdaman ng bitima ang bawat pag baon
ng karayom sa loob ng kanyang katawan.
Ang biktima na kahit ilang libong milya ang
layo ay makakaranas ng sunod sunod na atake.
Lalo na kung ang biktima ay napakain, napainom
ng pagkain o inuming nahaluan ng abo ng isang patay na tao na nakakapag infused
ng negatively charged na energies. Nakakapagbigay ito ng unlimited control sa
mangkukulam sa pag-iisip at katawan ng bibiktimahin. Ang pinaka-focus ng
mangkukulam ay sirain ang immune system ng biktima.
Eze 13:19 At inyong nilapastangan ako sa gitna
ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at dahil sa mga putol ng tinapay,
upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang iligtas na
buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong
pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan.
Eze 13:20 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong
Dios, Narito, ako'y laban sa inyong mga unan, na inyong ipinanghahanap ng mga
kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at
aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na
inyong hinahanap upang paliparin.
Kung sa tingin mo na ikaw ay binibiktima na ng
masamang salamangka/pangkukulam eto ang mga indikasyon na tutulong sa iyo upang
maintindihan mo ang inyong kalagayan.
Mga palatandaan o signs kung ikaw ay kinukulam
na o may ibang masamang ispiritu ang nakikielam sa iyo.
• Ang iyong pagtulog ay balisa, laging na
iistorbo. Hindi ka
mapagkatulog at laging nagigising ng alanganing
oras.
• Madaling mapagod at kinukulangan ang lakas
upang
mabuhay ng maayos sa araw-araw na gawain.
• Mayroon kang kinatakutan na hindi
maintindihin kung
sino o ano.
• Nawaawalan ng interes sa buhay.
• Nawawalan ng pag –asa.
• Ikaw ay madaling mapagalit kahit walang
dahilan
•Nakakaramdam ng sakit sa puso o parang
inaatake pero
pag napa- consulta sa mga medical doctors ay
walang
makumpirmang karamdaman.
• Nakakaramdam ng matinding depression.
• Pagkatuyo ng labi o bibig sa gabi na parang
nauuhaw
parati.
• Madaling tumaba minsan naman madaling
pumayat.
• Bigla-biglang nagkakaroon ng panginginig at
pangingilabot sa buong katawan.
• Parang humihigpit o sumisikip ang mga ilang
bahagi ng
katawan at kalamnan.
• Nagiging lutang ang pag-iisip biglang naging
malilimutin
at nararanasan ang paghina ng memorya.
• Ang mga payo at pangitain na dapat dumaan sa
iyong
panaginip ay hinaharang, Kaya wala kang
maala-alang
panaginip tuwing gumigising.
• Ang iyong mga propesyonal na karera o trabaho
ay na-
aapektuhan laging wala sa kondisyon o gana.
• Hindi makatwiran para sa iyo ang pag-uugali
ng mga tao
kaya laging may nakakaaway.
• Minamalas, mahirap kumita ng pera nawawalan
ng
paraan mag- isip kumita.
Maraming mga sintomas ang maaaring makita sa
taong kinukulam ang lahat ng ito ay depende sa estado ng conciousness ng isang
biktima at ang mga uri ng masamang Espiritu na umi- impluwensiya sa kanya na
nakaka-apekto sa biktima.
Mga sumusunod na palatandaang may aktibidad ng
kulam
o may masamang ispiritung nakikielam sa isang
tao.
• Nanaginip ka ng patay na taong hindi mo
kakilala at
nananaginip ka ng kakila-kilabot na mga hitsura
ng tao
na gusto kang patayin habang ikaw ay natutulog
at
nananaginip kaya para kang hindi makahinga at
binabangungot.
• Madalas kang managinip ng mga ahas at ng mga
maruruming lugar na may kasamang umaalingasaw
na
mabahong amoy.
• Biglang magigising sa takot mula sa malalim
na
pagkakatulog na hinahabol ang paghinga.
• Nananaginip na bumabagsak mula sa isang
napakataas
na pinanggalingan.
• Nananaginip ng mga ahas, alakdan at
malalaking maitim
na gagamba.
• Nakakakita ng maiitim na parang tuldok o usok
na
lumulutang sa iyung kapaligiran lalo na pag
matutulog
pa lamang o pag kagising.
• Lumalaki ang iyong tiyan tulad ng isang
buntis na babae
ang itaas ng iyung pusod ay parang sumisikip at
kung
ito’y hihipuin para bang may bolang matigas na
nasa
loob ng tiyan.
• Paninikip at mabigat na pakiramdam lalo na sa
may
balikat at dibdib.
• Matinding kagutuman sa mga biktima lalo na
kung
nasasaniban o nabaunan na ang iyong katawan.
• Palaging sumasakit ang ulo.
• Minsan ay nangingitim ang kulay ng iyung
balat.
• Pangangati, parang may pumapaso at tumutusok
sa iba't-
ibang bahagi ng katawan.
• Sa mga malubhang kaso ng salamangka o
pangkukulam
na meron talagang gustong pumatay sa iyo,
makakakita
ka ng masasamang pangitain.
Mga aksidenteng karumal-dumal, mga patayan sa
iyung
harapan maging hayop o tao ito. Nasa gitna ka
na ng
cross over ng pagkabuhay at malapit nang
mahigup sa
kamatayan.
Huling yugto ng biktimang kinukulam at
sinasaniban ng masamang ispiritu na mahirap ng iligtas at kakaunti na lang ang
oras para mabuhay o mananatili sa mahirap na kalagayan.
• Kanser sa ibat –ibang parte ng katawan lalo
sa dugo pag ito’y contaminated na.
• pag-urong, pag liit o hindi na pag gana ng
atay at pantog.
• Sobrang hindi maipaliwanag na panghihina.
• Gumagamit na ng ibat ibang droga.
• Inaatake na sa puso.
• Mga gamot na nirereseta ay hindi na gumagana
na pinagtatakhan ng mga medical practitioner: na nagreresulta sa mga doktor na
gumamit ng mas malakas na gamot .
• Nagtataka ng magpakamatay o laging nag iisip
ng kanyang ikakamamatay.
Karagdagang mga sintomas ng nakukulam o may
nakikielam na masamang ispiritu na nauukol sa mga babae lamang.
• gasgas marka sa paligid ng hita o maselang
bahagi ng katawan.
• Madalas managinip na may gumagahasa sa
kanyang mga masasamang ispiritu at ito’y parang totoong totoo.
• Pangangati sa maseselang bahagi ng katawan.
• Paghinto ng buwanang menstruation, nagiging
irregular ang menstruation minsan ay napakasakit at minsan may napakaitim na
dugong lumalabas.
• Hindi mabuntis buntis dahil may ibinira o
ibinaong kulam sa kanyang fallopian tubes kaya ma buntis man nagreresulta lang
ito ng pagkalaglag ng sanggol. Kaya nananatiling baog habang buhay.
• Hindi matagalan ang pagbubuntis na
nagreresulta sa pagkamatay niya o ng sanggol.
• Hindi maipaliwanag na convulsions.
Karagdagang mga sintomas nauukol sa Espirituwal
na mga tao
• Ang iyong interes sa ispiritual ay
bumabagsak, ayaw mo ng manalangin, wala ka ng pananampalataya sa Dios Ama, Dios
Anak at Dios Ispiritu Santo maging kay Mama Mary at sa ibat ibang angel na
pinadadala sa iyo upang tulungan ka.
• Biglang nag iiba ang pakiramdam sumasama
kapag sinusubukang manalangin.
• Madaling matuksong gumawa ng malalaswa at
masasamang bagay at mga bisyo.
Sa mga malubhang kaso kung saan na ang demonyo
na ang sumasanib , ang biktima ay maaaring biglang magpakamatay o maging
mamamatay tao.
Ang pagiging marahas na pag-uugali ay lubos na
makikita sa mga ganitong tao.
Solusyon:
Mag pacheck up sa mga magagaling (authorities)
laban sa kulam at exorcism. Magpagamot, mag aral ng mga Sagradong Aklat
matutong maglagay ng Divine Shield at proteksyon maging spiritual warrior pag
aralan ang combatis spiritual upang huwag ma biktima at katakutan ng mga
mangkukulam at masasamang ispiritu.
No comments:
Post a Comment